Monday, March 2, 2009

Nais Malaman - my song to you

Sa bawat oras na kasama ka
Walang minutong di namamangha
Bawat sulyap at mga hawak
Ang puso ko ay nagagalak
Bawat ngiti at bawat halik
Nakakapanabik, dahil sa...

Nais malaman sa buhay ko
Mga dalangin ng puso mo
Diringgin mga hikbi
Pangungulila sa bawat sandali
Halika't ika'y yakapin ko.

Salat man sa pangunawa,
Di ko mawari ang tadhana
Mong kay ilap ng ligaya
Mahal ka, mahal kita
Higit pa sa kanyang alaala
Nandirito ako, dahil sa...

Nais malaman sa buhay ko
Mga dalangin ng puso mo
Diringgin mga hikbi
Pangungulila sa bawat sandali
Halika't ika'y halikan ko.

Nagsusumamo o irog ko,
Hayaang ipadama pagsuyo ko
Hiling ko lang ikaw ay makita
Na sa piling ko'y masaya.

At sana pagbigyan mo rin
Sa paglalakbay mo ay kapiling
Ako itong nagnanais na makilala ka
Mga pinakatago tagong nadarama
Pagmamahal na kaya mong ibigay
Tutumbasan ng aking buhay...


Dahil sa...

Nais malaman ng puso ko
Mga bulong at dalangin mo
Diringgin bawat lambing
Pangungulila ko'y ikaw din.
Ikaw lang ang mamahalin....

Ikaw lang.

- nonoy
3-2-09

2 comments: