Thursday, March 26, 2009

5++ years, continued...

Just this morning, we received a directive to submit, as part of our yearly tasks, a development plan for the year.




There was a clamor. (haha gulo nyo eh) Thanks to the very able Mike M (not Mosqueda), we were guided on how to proceed. Guided but not dictated upon. We were advised to align our goals to that of Management. We will follow, but that doesnt mean we surrender.

Nyahaha napaka progresibo nitong blog entry ko ah.

Anyway, ang sinasabi ko lang naman mga katoto, dapat i align nga natin yung goals and expectations natin sa kung ano ang napag isipan ng nakakataas. Pero nde naman sinabi na magpakatamad tayo at gayahin na lang lahat ng sinabi nila.

Gaya ng nakita nating example, there are ways to accomplish a common goal. Each one of us(and each site also) has different strengths and weaknesses. Cliche dictates that we just bank on our strengths and double the effort on our weaknesses.

San ba tayo magaling? eh di mas igihan natin, pakita sa mga cliente at mga boss natin na magaling nga tayo, may kwenta ang ginagawa natin at masaya tayo gawin yun. San ba tayo nagkukulang? eh di pag aralan bakit may disconnect. Magtanong sa mga nakakatanda. Humingi ng advice. Kahit halos lalaki lahat tayo sa grupo (except for me, Dyosa Cielo and Rida, Dyosa Tierra), wag mahiyang magtanong o humingi ng tulong. Hindi kabawasan sa pagkalalaki ang humingi ng saklolo, kundi tanda ng maturity at decernment na higit na kailangan ng grupo natin, kesa sa mababaw na kabruskuhan. (linteks, malalim na nga ang english, malalim din ang tagalog hehe).




I was really elated (meaning natuwa, nagalak) with what transpired this morning. We were given a task to individually accomplish(Deadline March 30), but we gathered(at least sa bridge call at sa netmeeting) and discussed on how to complete it. I'll hazard saying the obvious, but hey guys, we just showed ourselves we are capable of cooperating for a common goal. And i really hope the spirit lives on for the rest of the year. Ika nga sa grade 4 GMRC, mas marami malinis ang walis tingting kesa sa barbeque stick (or something like that).





Alas onse trenta na pala, may call pa ako, bukas na lang natin tapusin... hehehe



- nonoy



PS beh matulog ka na, sunduin mo pa ako alas tres dito... nood tayo sine sa gale?

3 comments:

  1. Sana ganyan ang disposisyon at ka-responsable ang mga tauhan ko na walang ginawa kundi maghintay ng kinsenas at katapusan para sa sweldo.

    Hindi nga ako nagpa-company outing ngayong summer. Makaganti man lang hehehe.

    ReplyDelete
  2. tiyoy amo gid na ya ang kabuhi labi na gid sang naga pangempleyo.

    Now show me some lovin and vote for me as RBP's Blog of the week for week 7. Kampanya na toh!
    http://www.rainbowbloggers.com/

    ReplyDelete